Kapag ba tinititigan mula ulo hanggang paa, insecure na? Hindi ba pwedeng kinukumpara lang yung mukha sa paa?
(maagang joke lang.. gud morning!)
“Well, always is just an inherently ridiculous concept, but of course you want to say it to people you love, right? You want to promise them that you will always love them, that you will always take care of them, that they needn’t worry because you’re always going to be there. You won’t always be there, because at some point you’ll be dead or stuck in traffic or in love with someone else or whatever.”
— John Green, on saying “I love you forever”
sobrang namimiss ko ung taong nagsasabing ang panget na ng buhok ko, at sa sobrang kapangitan ng buhok ko eh sya na ang magbbrush at sasabihing dapat daw hindi brush ginagamit ko, kaya daw pumapanget.. pero wag ko raw paputulan kasi papanget daw lalo.. (:
unfinished thoughts .01
naghahanap nang kausap,
maraming oras ang nasayang,
nanghihinayang ka pa ba?
unti-unti ka nang nawawala,
humahakbang papalayo,
hahabulin pa ba kita?
pagkakataong pinalampas,
nasambit na mga dahilan,
mapapaniwalaan ko pa ba?
paghingi nang tawad,
pagtanggap sa mga kamalian,
nakakasawa na nga ba?
marahil walang nakakaalam,
kung san ang patutunguhan,
aasahan pa ba?
walang magpapaalam,
unti-unting naglalaho naman,
pipigilan pa ba kita?
“Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
Lumakad humakbang hanggang sa madapa
Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala
Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali
Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko ng sumali, gusto kong manuod
Minsan wala ng gana, ayoko ng magrap
Kase akala ko dati, alam ko na lahat
Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung ba’t may pambura ang lapis”
— Loonie (Tao Lang)
(Source: protagonistdjphaw)
problemado k b?
halata b? (:
» Asked by Anonymous